Lunes, Disyembre 24, 2012
What is Christmas eve all about? o_O
Ano nga ba ang Christmas Eve? Hmmmm.. Eto daw yung nagsasama - sama ang pamilya, magsisismbang gabi muna, after nun derestso sa bahay para mag noche buena. Hanggang sa hihintayin nila ang pasko. Nandyan din ang masasarap at maraming pagkain, na sabay-sabay kakain ang pamilya, andyan ang kwentuhan, tawanan, yung magbubukas ng regalo sabay-sabay at kung ano-ano pa. Hmmm. tama naman ee, ganito naman lagiang scenariopag christmas eve, kahit ako minsan ko na naexperience to. PERO ngayoon? Hmmm.. WALA! oo kumain kami, may mga masasarap na pagkain PERO kinain na namin kninang 7:00pm. *dinner time* after nun nagsitulog na ang mga tao sa bahay namin, at ngayon ETO ako nasa harapan ng laptop, tinatype ko ngayon to para may makausap naman ako kahit papaano. Kase feeling ko ang laki ng kulang ngayon Christmas eve, hinahanap ko yung dati. Yung pamilya ko na nasa pinas. PERO dahil mabuti akong anak ng Diyos, ang iniisip ko nalang para kay JESUS CHRIST to!:))
Sabado, Disyembre 22, 2012
I.T. at HRM Student Nag-uusap
HRM: Peram ng USB. Si-save ko lang yung files ko.
IT: Wala akong dala eh. ;)
HRM: Anong klase kang IT Student? Alam mo namang importante yan sa course mo!!
IT: Eh kung hanapan kaya kita ng KASEROLA, KALAN, SANDOK AT PLATO?! May dala ka ba?
Kung makapagsalita ka WAGAS!
:P
via: Tumblr. :))
Huwebes, Disyembre 13, 2012
Lola at Lolo
Para sa lola at lolo ko na namimiss ko ngayon. Bigla ko lang sila namiss. Hahaha Nakakamiss yung lola ko, yung gigisingin ka niya ng maaga para pumasok sa school, tapos hindi ka niya hahayaan umalis hangga't hindi ka kumakain, kahit isang subo ng kutsara lang ayos na sa kanya yon. Haha pero minsan tumatakas ako. Hindi ako mahilig magbreakfast ee. >:)) Bata pa lang ako lola at lolo ko na nagaalaga sakin, kaya nasanay na ako na lagi silang nandyan. :( Ang lola ko, makulit, at paulit-ulit ang mga sinasabi at binibilin nya sakin. Pero AYOS lang!:)) Kase dahil sa mga paulit ulit niyang sinasabe at sa kakulitan niya na dapat ganito, dapat ganyan, ay isa sa dahilan kung bakit nabuo ang pagkatao ko ngayon. Baligtad naman sila ng lolo ko, yoon?? Tahimik lang yon, walang imik minsan. Pero pag yun bumanat?! Hmm! BASAAAG ka!Haha May pagka bully din kase siya minsan. Haha pero mahal ko yon. Dahil super protective at concern niya samin mga apo niya. Kahit minsan hindi niya napapakita yon, nararamdaman naman namin yung pagmamahal niya samin. Sila yung, ayoko mawala sa buhay ko. Kaya ang hirap magdecide ee, ayoko ko sila kase iwan. Aalagaan ko pa kase sila pag super tanda na nila.. :)) Supeeeer miss ko na sila!:( Sana umuwi na sila! Haha :) Joke! Magenjoy muna kayo dyan sige!:P
Huwebes, Nobyembre 22, 2012
Thankyou! :)
| SPEECHLESS..........^ |
Eto yung nagpabuo ng araw ko kanina... Na napaspeechless ako. Hindi ko expect na gagawin mo ito para lang mapasaya mo ako. Alam ko mababasa mo ito, alam ko sayo ang idea na ito. Supeeer THANKYOUUUU!:)) Hindi ka nabigo na pasayahin ako.. Thankyou talaga!:DD
Next post nalang ako magnonobela para magpasalamat ng supeeer!:) Inaantok na kase ako...
GoodNight!:))
Lunes, Nobyembre 19, 2012
Upset 11/19/12
Sa sobrang bigat na nararamdaman mo, mapapa upo ka nalang at iiyak dahil sa hindi mo na kaya. Yung para bang down na down kana. Hiraaaaap!>:
Huwebes, Nobyembre 15, 2012
Summer Experience
Isa ako sa
mga maraming estudyante na pumapasok sa iskwela. Ang aking kurso na kinukuha ay
Computer Science, noon yun! Pero ngayon nagshift na ako ng Information
Technology. Siguro nagtataka kayo bakit ako nagshift? Haaay.. Basta! Maraming
dahilan e. Pumapasok ako sa kilalang
unibersidad sa Pampanga. Ito ang Angeles
University Foundation, o mas kilala nilang AUF. At dito isa akong Irregular Student.
Bilang irreg mahirap na masaya. Bakit kamo? Mahirap dahil alam mo may nahuhuli
ka mga subject at nahihiwalay ka sa mga barkada mo. Masaya dahil marami ka
makikilala at magiging kaibigan. Inshort magiging Ms. & Mr. Friendship ka. Nagyon summer hindi
ako nagtampisaw sa dagat, magpadulas sa swmming pool, magpicture taking sa
iba’t ibang lugar. Kundi nasa classroom ako, nakikinig sa teacher, nagrreview,
nagqquiz, nageexam ng midterms at finals, gumagawa ng activity at assignment.
Oo, nasa AUF ako buong summer! Ay hindi naman buong summer, isang buwan din
siguro yun. Ganun pa man na enjoy ko naman, dahil marami ako nakilala,
nakabonding at naging kaibigan. Bagamat sandali lang kami nagsama lahat,
nagging Masaya naman ang mga oras na sama-sama kami.
Tagal na nito! Nagsusummer pa ako nung sinulat ko 'to!:))) Nakalimutan ko ipost. nakita ko lang ngayon sa folder ko. Hahaha
Kachenehan lang yung intro ee! Haha ihww>:))
Kachenehan lang yung intro ee! Haha ihww>:))
Miyerkules, Nobyembre 7, 2012
Para sa mga anak!
Ito'y para sa mga anak na kung minsan hindi naiintindihan ang kanilang mga magulang. Mga anak na may mga katanungan bakit kinakailangan pa umalis at lumayo ang kani-kanilang magulang? Dahil hindi lang naman sila ang nahihirapan sa kalagayan na nagtra-trabaho sa ibang bansa, kundi pati sa mga naiwan nila sa Pilipinas, anak man nila ito o kapatid, ina, ama, maski kaibigan. Dahil gaano ka man katatag tatamaan ka padin ng lungkot sa araw-araw dahil wala ang magulang mo.
Kung ito ang iyong nararamdaman hindi ka nagiisa, pareho tayong pinagdadaanan. Kung tutuusin mas marami pa ako opinyon, tanong, lungkot, sakit sa loob, at mga salitang hindi ko mabitawan sa aking magulang. Dahil sino nga ba ako para sabihin sa kanila ito? Anak lang naman nila ako, anak na pinapag-aral, anak na binibigyan kung ano ang kailangan, anak na pinapakain sa araw-araw, anak na binibigyan ng pera. Pero hindi ba nila naisip yung anak na kailangan ng kalinga ng isang magulang? anak na kailangan ng pag-mamahal, anak na kailangan ang atensyon ng isang magulang? Minsan ito ang kinakalungkot ko at dahilan kung bakit napapaluha na lang ako bigla.
Noong bata pa ako, hindi ko pa naiisip ito, nagtra-trabaho ang aking ama sa ibang bansa, noon okay lang sa akin dahil nga bata pa ako, ang lagi kasing naiisip ko noon kung ano ba ang pasalubong ko sa aking ama, kung may bagong laruan ba ako at damit. Ngayon na nagkaisip na ako,, at masasabi ko nag matured na. Marami na ako hinahanap sa aking magulang, marami sumasagi sa aking isipan tulad ng; Hindi lagi nandyan ang saya at sarap sa buhay, dahil lagi may katapat yan na kalungkutan. Ang ginhawa may pagsisikap at magandang bukas, pero nakakasigurado ka ba doon hangga't nasa ibang bansa ka? Dahil ako na nagsasabi sayo walang permanente sa buhay. At ang sakripisyo ng magulang. Pero hindi lang naman ang magulang nagsasakripisyo maski kami mga anak na naiwan sa pilipinas.
Gaano ba kabigat ang salitang sakripisyo? Bilang ina, na nagaalaga ng ibang tao sa ibang bansa pero mismo anak niya na may sakit hindi niya maalagaan. At bilang anak, sa tuwing nangangailangan ng alaga kapag itoy nagkakasakit, ibang tao ang nagbibigay sa kanyan ng kalinga. Bilang ama, na magtatapos ang anak mo, gustuhin mo man ikaw ang umakyat sa stage at iabot ang diploma ng iyong anak, hindi pwede dahil hindi pa tapos ang iyong kontrata sa trabaho. Mahirap sa lahat, sa magulang at sa mga anak kapag ang pamilya niyo ay nabubuhay sa ibang bansa. Hindi lang para sa lumayo pati na din sa mga naiwan sa pilipinas,
Gaano ka man katatag at sanay sa ganitong buhay, tatamaan ka padin ng lungkot lalo na sa mga espesyal na mga araw, tulad ng birthday mo, graduation, family day, chirstmas at new year. Ngayon ang gawaiin nalang, chat sa YM o Skype, pwede din text at tawag para lang mabawasan ang lungkot na nararamdaman. Marami din pagsubok na pagdadaanan, sa mga naiwan at sa nag ibang bansa. Maraming tukso at problema. Ang tanong paano mo ito lalabanan? kung nababalot ka ng lungkot.
Para sa nag ibang bansa; respeto pa rin sa sarili ang dapat umiral, pati na rin sa mga naiwan mo. Isipin mo nalang kung ano ang magiging kahihinatnan sa gagawin mo, ang magiging epekto sa mga naiwan mo, ang kahihiyaan sa pamilya mo, at isipin mo nalang sana hahayaan mo ba sirain ng panandaliang saya at pansamantalang ligaya ang sakripisyong tiniis mo ilang taon at ang iyong pamilya? Oo, tao lang tayo nagkakamali alam ko iyon. Pero hindi mo ba naisip? O hindi ka lang talaga nagiisip? Isa tayong tao, ang pinakamataas na uri ng hayop, na binigyan ng Diyos ng utak para tayo makapagisip kung ano ang tama at mali.
At sa mga naiwan naman, ramdam ko kung ano nararamdaman niyo ngayon, minsan gustuhin ko nalang matalo ng kalungkutan, pero pinilit ko maging matatag para sa pamilya at sa dalawa kong kapatid. Dahil alam ko sa dulong ito ay may matatagpuan akong liwanag at lahat ng sakripisyo ay mapapalitan ng na walang kapantay na ligaya at ginhawa sa buhay. Ayoko lahat sisihin ang aking magulang dahil hindi ko naman hawak ang plano ng Diyos para samin pamilya. Siguro nga lahat ng nangyayari ay may dahilan. Ito ang aking kapalaran, at kailangan nalang tanggapin, unawaan, at labanan. Dahil hindi siguro tama na lagi ka nalang manghihinayang, minsan kailangan mo ng matagalan pag titiis para sa pamilya. Dahil sa kabila ng hirap sila ang dahilan kung bakit nananatili kang matatag sa buhay at dahilan kung bakit ka nabubuhay. Sa bawat gising ko sa umaga umaasa at naghihintay ako na sana pagbangon ko, makikita ko aking ina naghahanda ng aming almusal, ang aking ama naman ay makikita kong nakaupo sa sala nanunuod ng balita, at ang mga kapatid ko ay naguunahan sa pag upo sa lamesa. Namimiss ko na yung makita ang pamilya kong buo, masaya at simpleng buhay.
Gaano ba kabigat ang salitang sakripisyo? Bilang ina, na nagaalaga ng ibang tao sa ibang bansa pero mismo anak niya na may sakit hindi niya maalagaan. At bilang anak, sa tuwing nangangailangan ng alaga kapag itoy nagkakasakit, ibang tao ang nagbibigay sa kanyan ng kalinga. Bilang ama, na magtatapos ang anak mo, gustuhin mo man ikaw ang umakyat sa stage at iabot ang diploma ng iyong anak, hindi pwede dahil hindi pa tapos ang iyong kontrata sa trabaho. Mahirap sa lahat, sa magulang at sa mga anak kapag ang pamilya niyo ay nabubuhay sa ibang bansa. Hindi lang para sa lumayo pati na din sa mga naiwan sa pilipinas,
Gaano ka man katatag at sanay sa ganitong buhay, tatamaan ka padin ng lungkot lalo na sa mga espesyal na mga araw, tulad ng birthday mo, graduation, family day, chirstmas at new year. Ngayon ang gawaiin nalang, chat sa YM o Skype, pwede din text at tawag para lang mabawasan ang lungkot na nararamdaman. Marami din pagsubok na pagdadaanan, sa mga naiwan at sa nag ibang bansa. Maraming tukso at problema. Ang tanong paano mo ito lalabanan? kung nababalot ka ng lungkot.
Para sa nag ibang bansa; respeto pa rin sa sarili ang dapat umiral, pati na rin sa mga naiwan mo. Isipin mo nalang kung ano ang magiging kahihinatnan sa gagawin mo, ang magiging epekto sa mga naiwan mo, ang kahihiyaan sa pamilya mo, at isipin mo nalang sana hahayaan mo ba sirain ng panandaliang saya at pansamantalang ligaya ang sakripisyong tiniis mo ilang taon at ang iyong pamilya? Oo, tao lang tayo nagkakamali alam ko iyon. Pero hindi mo ba naisip? O hindi ka lang talaga nagiisip? Isa tayong tao, ang pinakamataas na uri ng hayop, na binigyan ng Diyos ng utak para tayo makapagisip kung ano ang tama at mali.
At sa mga naiwan naman, ramdam ko kung ano nararamdaman niyo ngayon, minsan gustuhin ko nalang matalo ng kalungkutan, pero pinilit ko maging matatag para sa pamilya at sa dalawa kong kapatid. Dahil alam ko sa dulong ito ay may matatagpuan akong liwanag at lahat ng sakripisyo ay mapapalitan ng na walang kapantay na ligaya at ginhawa sa buhay. Ayoko lahat sisihin ang aking magulang dahil hindi ko naman hawak ang plano ng Diyos para samin pamilya. Siguro nga lahat ng nangyayari ay may dahilan. Ito ang aking kapalaran, at kailangan nalang tanggapin, unawaan, at labanan. Dahil hindi siguro tama na lagi ka nalang manghihinayang, minsan kailangan mo ng matagalan pag titiis para sa pamilya. Dahil sa kabila ng hirap sila ang dahilan kung bakit nananatili kang matatag sa buhay at dahilan kung bakit ka nabubuhay. Sa bawat gising ko sa umaga umaasa at naghihintay ako na sana pagbangon ko, makikita ko aking ina naghahanda ng aming almusal, ang aking ama naman ay makikita kong nakaupo sa sala nanunuod ng balita, at ang mga kapatid ko ay naguunahan sa pag upo sa lamesa. Namimiss ko na yung makita ang pamilya kong buo, masaya at simpleng buhay.
Sabado, Oktubre 27, 2012
PERO.... T.T (sakit)
Gusto ko sumigaw ng malakas para maalis lang tong bigat sa dibdib ko. Minsan darating tayo sa point na i-iiyak na lang natin lahat ng sakit na nararamdaman mo. Hindi ko alam kung ano ba nagawa ko kasalanan na kay bigat bat ako pinaparusahan ng ganito. Hindi ko naman ito masisisi sa Diyos dahil alam ko bad yoon at alam ko may purpose bat niya hinahayaan ang ganito. PERO ano ba yon? Anong dahilan? Anong gusto niyang iparating sakin? Hindi naman ako manghuhula para hulaan ang dapat kong gawin at kung bakit lahat nangyayari to. Hindi naman ako magician para i magic ko to na sana mawala na lahat ng sakit. Lalo naman hindi ako Diyos para pahintuin at baguhin ang nakatadhana na sakin. Kung pwde lang sana magka amnesia ako ng panandalian, Ayooos sa akin yoon! Dahil ngayon wala ng epekto yung tatawanan ko nalang, idadaan sa kalokohan. Hindi parin ee, kahit tumatawa ako naiisip ko parin yoon, masakit padin sa loob. Gusto ko maramdaman ulit yung totooong kasiyahan, yung tipong tatawa ka at ngigiti ng walang pang alinlangan. Yung tipong malaya ka tumawa hanggat gusto mo. PERO ngayon, wala na. PILIT pa ang tawa ko minsan, para lang mapakita na okay ka, para wala ng mahabang usapan pa kung bakit ka malungkot. Haaaaay. Ayoko mag give up ee, pero kung ganito kasakit naman at dumadagdag pa. ABA! para atang inaabuso ko na ang damdamin ko, pati ang mga mata ko sa kakaiyak. PERO! PERO! aasdfghkjl!!!!! EWAN koooo! Parang punong puno nakoo, PERO ayoko mag give up ee! PERO hindi ko alam gagawin ko, ang sakit! at parang nanliliit nako sa sarili ko!. Shhhhhhhhhhhhhhh*t! Alam ko masyado ako madrama, at emosyonal! PERO kahit papano parang nailalabas ko na dito ang sama ng loob ko. Ganyaaaan pa man! Goodnight naaaa!
11:52
October 27, 2012
Huwebes, Oktubre 11, 2012
Ang Saaaaaaaaakit! -_-
Minsan sa buhay natin kahit gaano pa tayo KASAYA. May magpapalungkot parin sa atin. Patunay lang na hindi perpekto ang buhay. Bakit ba kailangan pa natin masaktan? Bakit kailangan pa natin umiyak? Bakit kaya? Bakit hindi nalang puro saya.. Sa pagtuloy ng daloy ng aking buhay, masasabi ko marami narin dumaan na malalakas na alon sa buhay ko, nasasabi ko ito dahil sa aking palagay hindi tama na makaranas at maramdaman ko ang ganitong kasakit. Ang mahirap pa, parang wala makakatulong sa sakin. parang pakiramdam ko, ako lang mag-isa, na walang umaalala sa akin. Gustuhin ko man takasan itong sakit nararamdaman ko, hindi ko magawa. Dahil pag-gising ko pa lamang sa umaga, ito na ang naiisip ko. Hindi pwede hindi ko maisip lahat ng sakit sa isang araw. Hindi pwede matapos ang isang araw na hindi ako nagtatanong kung bakit nangyayari lahat ng ito? kung bakit nararamdaman ko ang sakit?.Minsan nakakapagod narin, nakakasawa maghintay ng kasagutan sa mga tanong ko. Ang tanging magagawa ko lang ngayon ay palakasin ang loob ko at maging masaya nalang kung ano meron ko ngayon. Sana lang matapos na itong problema, sana matuldukan na lahat ng sakit sa aking loob.
Linggo, Setyembre 23, 2012
Wala ako maisip na title ditooow! :))
Now I know. I'll just let go of you and respect your happiness. Tama nga yung sinabi na hindi FOREVER kayo magkasama at magsasama. Balang araw darating sa point na magkakahiwalay kayo ng daan sa buhay. Darating din sa point na isa ka na sa hindi niya priority sa buhay, na hindi na kayo magkikita. Hanggat sa umabot pa yan ng ilang taon. Masakit at mahirap man isipin, pero wala kang magagawa mangyayari at mangyayari parin ito. Hindi nga lang ngayon. May panahon na tatakda sa lahat ng ito. Kahit ito'y ay paghandaan mo pa. Kung lubos mo naman minahal at binigyan halaga ang taong ito. Masasaktan at masasaktan ka diiin!! Nangyayari lahat ito kanino man, sa relasyon, sa magbabarkada, sa magkakaibigan at sa magBESTFRIEND. Kaya dapat BE AWARE:))
Miyerkules, Mayo 30, 2012
Minsan may Isang Puta
Goodafternoon:)) May isshare lang ako, nabasa ko ito sa Facebook. Nung una parang ayoko siya basahin dahil sa Title niya. Pero naiintriga ako bakit ganon ang binigay nilang title. Kaya binasa ko din ito. Tungkol ito sa realidad sa ating bansa. Nangyayari talaga ito sa ibang tao. Masasabi ko hindi lang sa bansa natin na may ganito, meron din naman sa ibang bansa. Sa paniniwala ko, walang malinis na bansa. Lahat ng bansa ay may tinatagong bulok. Kung sa tao nga masasabi mong walang perpekto. Sa bansa pa kaya kung saan tao ang nagpapagalaw nito. db tama naman ako? Sa tingin ko, may ibang opinion ka din dito. Halika't basahin mo ito.
Minsan may Isang Puta
Tingin ng mga bobong kapitbahay ko, puta daw ako. Nagpapagamit, binabayaran. Sabi
nila, ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon. Di ko nga alam kung
sumpa ito, dahil dito naletse ang kinabukasan ko.
Tara, makinig ka muna sa kwento ko, yosi muna tayo.
Alam mo, maraming lumapit sa akin. Nagkagusto at naakit. Ang hirap pag lahat sa iyo, virgin eh. Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila ako ginago? Hindi ko maintindihan ang mga nangyari sa akin. Bukas palad ko naman silang pinakitunguhan, ni hindi ko nga itinuring na iba. Iniisip ko na nga lang na kasi di sila taga rito kaya siguro talagang ganoon.
Tatlong malilibog na foreigners ang nagpyesta sa katawan ko. Sabi nila na-rape daw ako.
Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang di ko makakalimutan.
Parang maski di ko ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya. Kasi, ibang-iba ang hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing ginagamit niya ako. May mga pagkakaton na nasusuka na ko sa mga nangyayari sa aming dalawa. Parang ‘pag humahalinghing siya, nararamdaman ko na nalalason ako.. Gusto ko mang umayaw, hindi ko makuhang humindi. Hindi ko din alam kung bakit. Ibang klase din kasi siya mag-sorry eh, lalo pa at inalagaan niya ako at ang mga naging anak ko.
Alam mo, parating ang dami naming regalo – may chocolates, yosi at ano ka! May datung pa! Nakakabaliw siya! Alam kong ginagamit niya lang ako pero pagamit naman ako nang pagamit. Sa kanya namin natutunan mag-inggles, di lang magsulat ha! Magbasa pa!
Nung kinasama ko siya, guminhawa buhay namin. Sosyal na sosyal kami! Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin, yun pala unti-unti niya akong pinapatay.
Punyetang buhay! Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan ko, muntik na akong malaspag. Ang daming nagsabi na ang tanga tanga ko. Palayasin ko na daw. Taon ang binilang bago ako natauhang makining sa payo. Iniisip ko kasi na parang di ko kakayanin na mawala siya sa akin… Sa amin! .
Sa tulong ng ilan sa mga anak ko, napalayas ko ang demonyo pero ang hirap magsimula. Hindi nga ako sigurado kung nabunutan ako ng tinik o nadagdagan pa. Masyado na kasi kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan namin sa kanya, kaya eto nabaon kami sa utang. Lubog na lubog kami sa pagkakautang, kulang yata pati kaluluwa namin para ibayad sa mga inutang namin.
Nakakahiya man aminin pero hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhan ko. ‘Yun nga lang, kapit sa patalim sabi nga nila. Para akong isang aso na nangagat ng amo, na bumabahag ang buntot at umaamo kapag nangangailangan.
Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na kasi ang isang magandang katulad ko. Ang dating hinahangaan at humahalina ay nabibili sa murang halaga. Alam mo maski ganun ang mga nangyari sa akin, nilakasan ko pa rin ang loob ko. Kailangan makita ng mga anak ko, na masasandalan nila ako maski ano pang mangyari.
Maski ano pa ang sabihin ng iba, sinisikap namin na maging maganda ang buhay namin. Nag-aambisyon kami at nangangarap. Ayun, may mga anak ako na nasa Japan, Hong Kong, Saudi. Yung iba nag-US, Canada, Europe. ‘Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman silbi. Masaya daw sa piling ko, maski amoy pusali ako.
Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin, siya din ang dami ng mga anak ko na nanamantala sa kabuhayan at kayaman na itinatabi ko para sa punyetang kinabukasan naming lahat. Eto na nga ang panahon na halos di na kami makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap.
Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kaso ang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palaki pa ng palaki! Paano na lang ang mga anak kong naiwan sa aking puder? At paano na lang ang mga anak kong nasa abroad? Baka di na nila ako balikan o bisitahin man lang? Hindi na importante kung laspagin man ang ganda ko, madama lang ng mga anak ko ang pagmamahal ko. Malaman nila na ibibigay ko ang lahat para sa kanila.
Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa rin ako. Meron pa din ang bilib sa akin. Napapag-usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na lang ang mga luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko eh, namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawain. Tama man o mali.
Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw pa.
Mabigat dalahin para sa akin, ang katotohanan na ni minsan ay di kami naging isang pamilya. Halos lahat ng mga anak ko, galit sa isa’t isa. IIlan ang gusto magtulungan, naghihilahan pa. Madalas kong itinatanong sa sarili ko kung naging masama ba akong nanay para magturingan ng ganito ang mga anak ko?
Kanino bang similya ng demonyo nanggaling ang mga anak kong maituturing mong may mga pinag-aralan pero nakakadama ng saya at sarap sa paghihirap ng kapatid nila? Di ko lubos maisip kung saan impiyerno nanggaling ang kasikiman ng ilan sa mga anak kong ito. Sila pa naman ang inaasahan kong magbabangon sa amin. Nakakabaliw isipin na natitiis nila ang kalagayan ng kanilang mga kapatid na halos mamatay sa hirap ng buhay. Parang di sila magkakapatid sa tindi ng pagkaganid at walang pagmamalasakit.
Ang di ko akalain ay mismong mga anak ko, ang tuluyang sisira sa akin. Kinapital ang laspag na ganda ko. Masaya sila sa mga nabibili nila mula sa pinagputahan ko. Buong angas nilang pinagyayabang ang mga pansamantalang yaman at ang kanilang hilaw na pagkatao sa mga makakakita at makikinig. Talaga bang nakakalula ang materyal na kayamanan at mga titulong ikinakabit sa pangalan? Hindi ko maintindihan.
Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga kilala sarili ko.
Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako ng mga anak ko. Ilang linggo pa, magbabagong taon na. Natatakot ako sa taong darating. Ngayon pa lang usap-usapan na ang susunod na pangbubugaw sa akin. Gagamitin pa nila ang kahinaan ng mga kapatid nilang alipin sa kalam ng tiyan. Sa tagal ng panahong ganito ang sitwasyon namin parang eto lang ang sulok na gagalawan ko. Sana may magtanggol naman sa akin. Ipaglaban naman nila ako. Gusto kong isigaw: “Ina ninyo ako! Pagmamahal nyo lang ang kailangan ko!”
Sensya na, ang haba na ng drama ko. Masisira na ang make up ko nito eh. Salamat ha, pinakinggan mo ako. Malaking bagay sa akin na nakausap kita. Ang tagal nating nag-usap, di man lang ako nagpapakilala.
Ay sorry, di ko nasabi pangalan ko.
Pilipinas nga pala.
Isinulat ni: Mr. Mike Portes
Ang galing na writter ni Mr.Portes!
Lunes, Mayo 21, 2012
Ang BUHAY
Siguro ganito ang buhay. Ay! Hindi lang pala siguro. Ganito talaga ang buhay. Ang buhay na ipinamumukha sa atin ng sanglibutan, sa buhay makakaranas ka ng saya, at hapdi, makakaranas ka ng lungkot at ngiti.
Pinapatunayan lang na sa buhay natin ay hindi puro sarap, kailangan din natin ng konting hirap. Minsan naitanong mo naba sa sarili mo, bakit kailangan ko maransan ang hirap? bakit may mga problema dumarating na nakakasakit sayo? Bakit ganito ang buhay na binigay sa akin? Sa kabila ng mga tanong na yan, ni minsan din ba pinagmasdan mo sandali ang buhay mo? Ang buhay na ibinigay sayo? Ang buhay na ninanais ng ibang tao, ang buhay na tinatahak mo ngayon? Sa mga sandali na iyon doon mo lubos makikita at mabibigyang halaga ang buhay. Ang buhay na galing sa Diyos.
Ang buhay natin ay bigyang pansin kahit na sa kaunting minuto lang, khit na sa kaunting sandali lang, sa lalim ng pag- iisip natin sa bawat pagmumuni natin sa kwarto, banyo, terrace, jeep, tricyle, classroom at kahit saan pang lugar ay malalaman natin ang halaga ng ating buhay. Ang buhay na ating pinaninindigan, ang buhay na ating ginagawalawan, ang buhay na ating ipinaglalaban.
Miyerkules, Mayo 16, 2012
TULOY PA RIN
Artist: Noel Cabangon
LYRICS:
Sa wari ko'y lumilipas na
Ang kadiliman ng araw
Dahan-dahan pang gumigising
At ngayo'y babawi na
Muntik na nasanay ako
Sa aking pag-iisa
At kaya ng iwanan ang
Bakas ng kahapon ko
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na akong hamunin ang aking mundo
Pagka't tuloy pa rin
Kung minsan pa'y hinahanap pa
Ang alaala ng 'yong halik
Inaamin ko na kay tagal pa
Bago malilimutan ito
Kay hirap ng maulit muli
Ang naiwang nating pag-ibig
Tanggap na at natututo pa
Harapin ang katotohanang ito
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na akong hamunin ang aking mundo
Pagka't tuloy pa rin
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na akong hamunin ang aking mundo
Pagka't tuloy pa rin
Muntik na nasanay ako
Sa aking pag-iisa
At kaya ng iwanan ang
Bakas ng kahapon ko
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na akong hamunin ang aking mundo
Pagka't tuloy pa rin
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na akong hamunin ang aking mundo
Pagka't tuloy pa rin
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na akong hamunin ang aking mundo
Pagka't tuloy pa rin
This song cheers me up whenever I encounter a problem. Sinasabi dito kahit anong mangyari sa buhay natin, mapa nasa taas man tayo o sa baba. Tuloy parin tayo. Kailangan natin mag move forward para sa future ng buhay natin.
LYRICS:
Sa wari ko'y lumilipas na
Ang kadiliman ng araw
Dahan-dahan pang gumigising
At ngayo'y babawi na
Muntik na nasanay ako
Sa aking pag-iisa
At kaya ng iwanan ang
Bakas ng kahapon ko
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na akong hamunin ang aking mundo
Pagka't tuloy pa rin
Kung minsan pa'y hinahanap pa
Ang alaala ng 'yong halik
Inaamin ko na kay tagal pa
Bago malilimutan ito
Kay hirap ng maulit muli
Ang naiwang nating pag-ibig
Tanggap na at natututo pa
Harapin ang katotohanang ito
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na akong hamunin ang aking mundo
Pagka't tuloy pa rin
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na akong hamunin ang aking mundo
Pagka't tuloy pa rin
Muntik na nasanay ako
Sa aking pag-iisa
At kaya ng iwanan ang
Bakas ng kahapon ko
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na akong hamunin ang aking mundo
Pagka't tuloy pa rin
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na akong hamunin ang aking mundo
Pagka't tuloy pa rin
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na akong hamunin ang aking mundo
Pagka't tuloy pa rin
This song cheers me up whenever I encounter a problem. Sinasabi dito kahit anong mangyari sa buhay natin, mapa nasa taas man tayo o sa baba. Tuloy parin tayo. Kailangan natin mag move forward para sa future ng buhay natin.
Lunes, Mayo 14, 2012
Barkada na matatawag mong PEK Girls:)
Ang mga taong kumukumpleto sa aking araw-araw.
Nabuo ang barkadahan nung nagsiCOLLEGE na kami. Alam na namin ang bawat isa, dahil simula ng highschool ay magkakasama na kami. Kahit ung isa ay ahead, hindi naging mahirap makisama sa kanya, hindi dahil ate siya ng kabarkada namin dahil kapareho namin siyang baliw! Hahaha Sa mga sigundo, minuto, oras, araw, linggo, buwan, at taon. Hindi kami nahirapan buuin ang salitang BARKADA. Sila ung kumukumpleto sa aking araw-araw na puno ng TAWA at SAYA!:))
Oo, mga baliw sila at sobrang iingay, mahaharot din at puro kalokohan, pero, kung wala siguro sila, ang boring boring ng buhay. Araw-araw, iba’t-ibang trip at iba’t-iba ang pinagtritripan. Sila yung mga taong kaya akong hampas-hampasin at suntok-suntukin, kaya nila akong asarin hanggang sa mabadtrip ako pero syempre hindi naman ako laging nababadtrip kase SANAY nako, at pag may ginawa akong mali o nakakahiya, sila yung mga taong kaya akong pagtawanan hanggang sa matapos ang araw. Yung tipong hindi maka getover! (narealize ko ung totoong kaibigan lng gumgawa nun)
Sila din ung wagas sa kwentuhan, ung tipong pag naumisahan na ang kwento, sunod sunod na nun, minsan naiiba na ung topic dahil sa madaming SEGWAY! Hahaha;)) At eto ang pamatay pag tumawa na ang isa, tatawa na din ung isa, tas susunod ung isa, at ung isa, syempre hindi magpapahuli ung isa, heeep! Ung isa hahabol din sa tawa! Hanggang kaming lahat sumasagaksak sa tawa. Opps! Baka isipin niyo puro kasiyahan lang kami, may dumarating din sa punto na may nagpapalungkot samin,
#1. LoveLife #2. Studies #3. Kahirapan #4. Lola #5. si Crush #6. ang mahabang stairs sa ITBuilding at PSBuilding isali na ang TweenBuilding. #7. Rotc #8. Sir Berri and etc. Sa kasiyahan man at kalungkutan magkakasama kami.
Ganyan lang naman ang cycle ng barkada namin. Kagaya rin naman ng sayo, sinyo at sa iba. Kaso ang pinagkaiba lang," iba ang mga kaibigan mo sa mga kaibigan or should I say sa mga kapatid ko" .
Sana tumagal ang samahan, sana hindi magbago kahit susuungin ang kanya kanyang landas ng buhay, sana laging magdamayan sa bawat oras. Mahal na mahal ko ang mga kapatid ko (a.k.a) PEK GIRLS♥♥♥
Eto ang Barkada na hindi mo dapat pakawalan pa! Panigurado worth ang pananatili sa mundo dahil sa kanila:)
Okay lang..Bahala na..
Alam mo ung word na “bahala na”? Yun ung tipong kahit ano nalang mangyari, okay lang sayo yung parang nagfflow ka nalang sa mga nangyayari. Alam mo ung pakiramdam na parang sasabog ung loob mo sa sobra hindi mo maintindihan ang nangyayari? Yung pakiramdam na pag gising mo iba na lahat. Ibang iba na. Yung nageexpect ka tapos wala lang, masasaktan at masasaktan ka. Kaya minsan mas maganda na ung sabahin mo okay lang, tanggapin nalang, kaysa sa mawala pa ung taong mahalaga sayo. Minsan kailangan din natin magparaya, umintindi nang sa ganon hindi mawala ung taong yun. Pero ang tanong hanggang kalian? Hanggang kailan ka magsasakripisyo? Hanggang kailan mo titiisin ang sakit? Hanggang kailan mo sasabihin na okay ka lang?
Bawat saya may katumbas na lungkot
Isang umaga habang naglalakad ako para pumasok na may narinig ako nag uusap dalawang lalaki, hindi ko naman sinasadya makinig talaga sa usapan nila. Sabi nung isang lalaki “Isa lang naman ang gusto ng isang tao e.” Ang tanong ng isang lalaki “Ano yun pre?” Isang salita lang ang naisagot ng isang lalaki alam mo kung ano ito? Ang sagot niya “KALIGAYAHAN”. Napangiti ako sa usapan nila, nainspired ako. Oo tama siya, tayo mga tao iisa lang hanggad natin sa buhay yun ay kaligayahan. Kaya nga may mga taong umiibig, ngeeffort, nagttrabaho para sa pamilya, nagpapasaya ng kaibigan, nagaaral ng mabuti, nagsasakripisyo, marami pa tayong paraan para maging masaya.
Pero bakit ganon kahit piliin mo padin maging masaya, darating at darating ka sa puntong malulungkot ka, iiyak, masasaktan? Karaniwang sagot nila: “Parte ng buhay natin yan e”, “Pagsubok lang satin yan”. Bagkus may mga kasunod parin mga tanong, “Paano kung napagod ka na? Paano kung hindi mo na kaya mga sakit? Paano kung suko ka na? “ Ang weak ng mga tao! Haha oh joke lang! Pero aminin na natin nagiging weak din naman tayo emotionally, sabihin mong hindi! Ano ka? MANHID??
Ako, akala ko pag paulit ulit ka ng nasasaktan, nararanasan ang isang bagay, masasanay ka at magiging immune. Kaso hindi pala, mararamdaman mo parin ung sakit, ung feeling na down na down ka. Minsan mas pinipili ko wag na kumibo, magkulong nalang sa kwarto. Atleast sa loob ng apat na sulok ng kwarto, nakakapag isip ako, nagagawa kong tumawa, umiyak, magalit na walang nasasaktan. Sa loob ng kwarto nagagawa ko maging totoo ang pangarap ko, nagagawa ko magsulat. Dito nagagawa kong maging boss, ako ung bida, walang kontrabida, ako ung main attraction. Saksi ang kwartong ito sa bawat ngiti ko pag napapasaya ako ng mga mahal ko sa buhay, sa mga luha ko pag nasasaktan ako, at mga halo halong pakiramadam na maaari kong maramdaman. Salamat sa kwartong ito, dahil nakatulong siya para marealized ko ang mga bagay napagdaanan ko.
Opps. Paalala lang wag niyo ko tularan! Mas maganda parin kung nasasabi mo kung ano ung nasa loob mo, ung hindi ka magkukulong sa kwarto. May naalala ako, may isang taong nagsabi sakin, ang sabi niya “lahat tayo may choice sa buhay, hindi pwedeng wala”. At masasabi mo lang daw pag “wala ng choice” sa oras na hindi mo na kaya at nasasaktan ka na. Oo, tama siya may choice tayo kung pipiliin natin maging Masaya o magpapakulong tayo sa lungkot. Hindi naman kase natin kailangan bitbitin ang lahat ng masasakit na bagay kung ano meron tayo sa buhay. Hindi naman pang habang buhay may problema tayo. Kung baga sa byahe, iwanan mo na ang mga hindi kailangan at ung hindi importante. Dalhin mo nalang ung mga nagpapasaya sayo, ung mga aral na natutunan mo, sigurado magagamit mo yun sa paglalakbay sa buhay.
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)


