Isang umaga habang naglalakad ako para pumasok na may narinig ako nag uusap dalawang lalaki, hindi ko naman sinasadya makinig talaga sa usapan nila. Sabi nung isang lalaki “Isa lang naman ang gusto ng isang tao e.” Ang tanong ng isang lalaki “Ano yun pre?” Isang salita lang ang naisagot ng isang lalaki alam mo kung ano ito? Ang sagot niya “KALIGAYAHAN”. Napangiti ako sa usapan nila, nainspired ako. Oo tama siya, tayo mga tao iisa lang hanggad natin sa buhay yun ay kaligayahan. Kaya nga may mga taong umiibig, ngeeffort, nagttrabaho para sa pamilya, nagpapasaya ng kaibigan, nagaaral ng mabuti, nagsasakripisyo, marami pa tayong paraan para maging masaya.
Pero bakit ganon kahit piliin mo padin maging masaya, darating at darating ka sa puntong malulungkot ka, iiyak, masasaktan? Karaniwang sagot nila: “Parte ng buhay natin yan e”, “Pagsubok lang satin yan”. Bagkus may mga kasunod parin mga tanong, “Paano kung napagod ka na? Paano kung hindi mo na kaya mga sakit? Paano kung suko ka na? “ Ang weak ng mga tao! Haha oh joke lang! Pero aminin na natin nagiging weak din naman tayo emotionally, sabihin mong hindi! Ano ka? MANHID??
Ako, akala ko pag paulit ulit ka ng nasasaktan, nararanasan ang isang bagay, masasanay ka at magiging immune. Kaso hindi pala, mararamdaman mo parin ung sakit, ung feeling na down na down ka. Minsan mas pinipili ko wag na kumibo, magkulong nalang sa kwarto. Atleast sa loob ng apat na sulok ng kwarto, nakakapag isip ako, nagagawa kong tumawa, umiyak, magalit na walang nasasaktan. Sa loob ng kwarto nagagawa ko maging totoo ang pangarap ko, nagagawa ko magsulat. Dito nagagawa kong maging boss, ako ung bida, walang kontrabida, ako ung main attraction. Saksi ang kwartong ito sa bawat ngiti ko pag napapasaya ako ng mga mahal ko sa buhay, sa mga luha ko pag nasasaktan ako, at mga halo halong pakiramadam na maaari kong maramdaman. Salamat sa kwartong ito, dahil nakatulong siya para marealized ko ang mga bagay napagdaanan ko.
Opps. Paalala lang wag niyo ko tularan! Mas maganda parin kung nasasabi mo kung ano ung nasa loob mo, ung hindi ka magkukulong sa kwarto. May naalala ako, may isang taong nagsabi sakin, ang sabi niya “lahat tayo may choice sa buhay, hindi pwedeng wala”. At masasabi mo lang daw pag “wala ng choice” sa oras na hindi mo na kaya at nasasaktan ka na. Oo, tama siya may choice tayo kung pipiliin natin maging Masaya o magpapakulong tayo sa lungkot. Hindi naman kase natin kailangan bitbitin ang lahat ng masasakit na bagay kung ano meron tayo sa buhay. Hindi naman pang habang buhay may problema tayo. Kung baga sa byahe, iwanan mo na ang mga hindi kailangan at ung hindi importante. Dalhin mo nalang ung mga nagpapasaya sayo, ung mga aral na natutunan mo, sigurado magagamit mo yun sa paglalakbay sa buhay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento