Lunes, Mayo 21, 2012

Ang BUHAY


Minsan dumarating tayo sa punto ng buhay natin na parang wala tayong magawa sa mga nagyayari, ni wala tayong kapangyarihan na pwedeng gawin, minsan may tanong tayong alam naman natin ang sagot, minsan may alam tayong hakbang bagkus hindi natin ito ginagawa at mas pinipili pa natin ang mas mahirap na paraan.


Siguro ganito ang buhay. Ay! Hindi lang pala siguro. Ganito talaga ang buhay. Ang buhay na ipinamumukha sa atin ng sanglibutan, sa buhay makakaranas ka ng saya, at hapdi, makakaranas ka ng lungkot at ngiti. 
Pinapatunayan lang na sa buhay natin ay hindi puro sarap, kailangan din natin ng konting hirap. Minsan naitanong mo naba sa sarili mo, bakit kailangan ko maransan ang hirap? bakit may mga problema dumarating na nakakasakit sayo? Bakit ganito ang buhay na binigay sa akin? Sa kabila ng mga tanong na yan, ni minsan din ba pinagmasdan mo sandali ang buhay mo? Ang buhay na ibinigay sayo? Ang buhay na ninanais ng ibang tao, ang buhay na tinatahak mo ngayon? Sa mga sandali na iyon doon mo lubos makikita at mabibigyang halaga ang buhay. Ang buhay na galing sa Diyos. 


Ang buhay natin ay bigyang pansin kahit na sa kaunting minuto lang, khit na sa kaunting sandali lang, sa lalim ng pag- iisip natin sa bawat pagmumuni natin sa kwarto, banyo, terrace, jeep, tricyle, classroom at kahit saan pang lugar ay malalaman natin ang halaga ng ating buhay. Ang buhay na ating pinaninindigan, ang buhay na ating ginagawalawan, ang buhay na ating ipinaglalaban. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento