Ito'y para sa mga anak na kung minsan hindi naiintindihan ang kanilang mga magulang. Mga anak na may mga katanungan bakit kinakailangan pa umalis at lumayo ang kani-kanilang magulang? Dahil hindi lang naman sila ang nahihirapan sa kalagayan na nagtra-trabaho sa ibang bansa, kundi pati sa mga naiwan nila sa Pilipinas, anak man nila ito o kapatid, ina, ama, maski kaibigan. Dahil gaano ka man katatag tatamaan ka padin ng lungkot sa araw-araw dahil wala ang magulang mo.
Kung ito ang iyong nararamdaman hindi ka nagiisa, pareho tayong pinagdadaanan. Kung tutuusin mas marami pa ako opinyon, tanong, lungkot, sakit sa loob, at mga salitang hindi ko mabitawan sa aking magulang. Dahil sino nga ba ako para sabihin sa kanila ito? Anak lang naman nila ako, anak na pinapag-aral, anak na binibigyan kung ano ang kailangan, anak na pinapakain sa araw-araw, anak na binibigyan ng pera. Pero hindi ba nila naisip yung anak na kailangan ng kalinga ng isang magulang? anak na kailangan ng pag-mamahal, anak na kailangan ang atensyon ng isang magulang? Minsan ito ang kinakalungkot ko at dahilan kung bakit napapaluha na lang ako bigla.
Noong bata pa ako, hindi ko pa naiisip ito, nagtra-trabaho ang aking ama sa ibang bansa, noon okay lang sa akin dahil nga bata pa ako, ang lagi kasing naiisip ko noon kung ano ba ang pasalubong ko sa aking ama, kung may bagong laruan ba ako at damit. Ngayon na nagkaisip na ako,, at masasabi ko nag matured na. Marami na ako hinahanap sa aking magulang, marami sumasagi sa aking isipan tulad ng; Hindi lagi nandyan ang saya at sarap sa buhay, dahil lagi may katapat yan na kalungkutan. Ang ginhawa may pagsisikap at magandang bukas, pero nakakasigurado ka ba doon hangga't nasa ibang bansa ka? Dahil ako na nagsasabi sayo walang permanente sa buhay. At ang sakripisyo ng magulang. Pero hindi lang naman ang magulang nagsasakripisyo maski kami mga anak na naiwan sa pilipinas.
Gaano ba kabigat ang salitang sakripisyo? Bilang ina, na nagaalaga ng ibang tao sa ibang bansa pero mismo anak niya na may sakit hindi niya maalagaan. At bilang anak, sa tuwing nangangailangan ng alaga kapag itoy nagkakasakit, ibang tao ang nagbibigay sa kanyan ng kalinga. Bilang ama, na magtatapos ang anak mo, gustuhin mo man ikaw ang umakyat sa stage at iabot ang diploma ng iyong anak, hindi pwede dahil hindi pa tapos ang iyong kontrata sa trabaho. Mahirap sa lahat, sa magulang at sa mga anak kapag ang pamilya niyo ay nabubuhay sa ibang bansa. Hindi lang para sa lumayo pati na din sa mga naiwan sa pilipinas,
Gaano ka man katatag at sanay sa ganitong buhay, tatamaan ka padin ng lungkot lalo na sa mga espesyal na mga araw, tulad ng birthday mo, graduation, family day, chirstmas at new year. Ngayon ang gawaiin nalang, chat sa YM o Skype, pwede din text at tawag para lang mabawasan ang lungkot na nararamdaman. Marami din pagsubok na pagdadaanan, sa mga naiwan at sa nag ibang bansa. Maraming tukso at problema. Ang tanong paano mo ito lalabanan? kung nababalot ka ng lungkot.
Para sa nag ibang bansa; respeto pa rin sa sarili ang dapat umiral, pati na rin sa mga naiwan mo. Isipin mo nalang kung ano ang magiging kahihinatnan sa gagawin mo, ang magiging epekto sa mga naiwan mo, ang kahihiyaan sa pamilya mo, at isipin mo nalang sana hahayaan mo ba sirain ng panandaliang saya at pansamantalang ligaya ang sakripisyong tiniis mo ilang taon at ang iyong pamilya? Oo, tao lang tayo nagkakamali alam ko iyon. Pero hindi mo ba naisip? O hindi ka lang talaga nagiisip? Isa tayong tao, ang pinakamataas na uri ng hayop, na binigyan ng Diyos ng utak para tayo makapagisip kung ano ang tama at mali.
At sa mga naiwan naman, ramdam ko kung ano nararamdaman niyo ngayon, minsan gustuhin ko nalang matalo ng kalungkutan, pero pinilit ko maging matatag para sa pamilya at sa dalawa kong kapatid. Dahil alam ko sa dulong ito ay may matatagpuan akong liwanag at lahat ng sakripisyo ay mapapalitan ng na walang kapantay na ligaya at ginhawa sa buhay. Ayoko lahat sisihin ang aking magulang dahil hindi ko naman hawak ang plano ng Diyos para samin pamilya. Siguro nga lahat ng nangyayari ay may dahilan. Ito ang aking kapalaran, at kailangan nalang tanggapin, unawaan, at labanan. Dahil hindi siguro tama na lagi ka nalang manghihinayang, minsan kailangan mo ng matagalan pag titiis para sa pamilya. Dahil sa kabila ng hirap sila ang dahilan kung bakit nananatili kang matatag sa buhay at dahilan kung bakit ka nabubuhay. Sa bawat gising ko sa umaga umaasa at naghihintay ako na sana pagbangon ko, makikita ko aking ina naghahanda ng aming almusal, ang aking ama naman ay makikita kong nakaupo sa sala nanunuod ng balita, at ang mga kapatid ko ay naguunahan sa pag upo sa lamesa. Namimiss ko na yung makita ang pamilya kong buo, masaya at simpleng buhay.