Miyerkules, Mayo 16, 2012

TULOY PA RIN

Artist: Noel Cabangon


LYRICS:
Sa wari ko'y lumilipas na 
Ang kadiliman ng araw
Dahan-dahan pang gumigising 
At ngayo'y babawi na

Muntik na nasanay ako 
Sa aking pag-iisa
At kaya ng iwanan ang
Bakas ng kahapon ko

Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na akong hamunin ang aking mundo
Pagka't tuloy pa rin

Kung minsan pa'y hinahanap pa 
Ang alaala ng 'yong halik
Inaamin ko na kay tagal pa 
Bago malilimutan ito

Kay hirap ng maulit muli
Ang naiwang nating pag-ibig
Tanggap na at natututo pa
Harapin ang katotohanang ito

Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na akong hamunin ang aking mundo
Pagka't tuloy pa rin

Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na akong hamunin ang aking mundo
Pagka't tuloy pa rin

Muntik na nasanay ako 
Sa aking pag-iisa
At kaya ng iwanan ang 
Bakas ng kahapon ko

Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na akong hamunin ang aking mundo
Pagka't tuloy pa rin

Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na akong hamunin ang aking mundo
Pagka't tuloy pa rin

Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na akong hamunin ang aking mundo
Pagka't tuloy pa rin



This song cheers me up whenever I encounter a problem. Sinasabi dito kahit anong mangyari sa buhay natin, mapa nasa taas man tayo o sa baba. Tuloy parin tayo. Kailangan natin mag move forward para sa future ng buhay natin.

Lunes, Mayo 14, 2012

Barkada na matatawag mong PEK Girls:)



Ang mga taong kumukumpleto sa aking araw-araw.

Nabuo ang barkadahan nung nagsiCOLLEGE na kami. Alam na namin ang bawat isa, dahil simula ng highschool ay magkakasama na kami. Kahit ung isa ay ahead, hindi naging mahirap makisama sa kanya, hindi dahil ate siya ng kabarkada namin dahil kapareho namin siyang baliw! Hahaha Sa mga sigundo, minuto, oras, araw, linggo, buwan, at taon. Hindi kami nahirapan buuin ang salitang BARKADA. Sila ung kumukumpleto sa aking araw-araw na puno ng TAWA at SAYA!:))
Oo, mga baliw sila at sobrang iingay, mahaharot din at puro kalokohan, pero, kung wala siguro sila, ang boring boring ng buhay. Araw-araw, iba’t-ibang trip at iba’t-iba ang pinagtritripan. Sila yung mga taong kaya akong hampas-hampasin at suntok-suntukin, kaya nila akong asarin hanggang sa mabadtrip ako pero syempre hindi naman ako laging nababadtrip kase SANAY nako, at pag may ginawa akong mali o nakakahiya, sila yung mga taong kaya akong pagtawanan hanggang sa matapos ang araw. Yung tipong hindi maka getover! (narealize ko ung totoong kaibigan lng gumgawa nun)
Sila din ung wagas sa kwentuhan, ung tipong pag naumisahan na ang kwento, sunod sunod na nun, minsan naiiba na ung topic dahil sa madaming SEGWAY! Hahaha;)) At eto ang pamatay pag tumawa na ang isa, tatawa na din ung isa, tas susunod ung isa, at ung isa, syempre hindi magpapahuli ung isa, heeep! Ung isa hahabol din sa tawa! Hanggang kaming lahat sumasagaksak sa tawa. Opps! Baka isipin niyo puro kasiyahan lang kami, may dumarating din sa punto na may nagpapalungkot samin,
#1. LoveLife #2. Studies #3. Kahirapan #4. Lola #5. si Crush #6. ang mahabang stairs sa ITBuilding at PSBuilding isali na ang TweenBuilding. #7. Rotc #8. Sir Berri and etc. Sa kasiyahan man at kalungkutan magkakasama kami.

Ganyan lang naman ang cycle ng barkada namin. Kagaya rin naman ng sayo, sinyo at sa iba. Kaso ang pinagkaiba lang," iba ang mga kaibigan mo sa mga kaibigan or should I say sa mga kapatid ko" .
Sana tumagal ang samahan, sana hindi magbago kahit susuungin ang kanya kanyang landas ng buhay, sana laging magdamayan sa bawat oras. Mahal na mahal ko ang mga kapatid ko (a.k.a) PEK GIRLS♥♥♥ 

Eto ang Barkada na hindi mo dapat pakawalan pa! Panigurado worth ang pananatili sa mundo dahil sa kanila:)

Okay lang..Bahala na..



Alam mo ung word na “bahala na”? Yun ung tipong kahit ano nalang mangyari, okay lang sayo yung parang nagfflow ka nalang sa mga nangyayari. Alam mo ung pakiramdam na parang sasabog ung loob mo sa sobra hindi mo maintindihan ang nangyayari? Yung pakiramdam na pag gising mo iba na lahat. Ibang iba na. Yung nageexpect ka tapos wala lang, masasaktan at masasaktan ka. Kaya minsan mas maganda na ung sabahin mo okay lang, tanggapin nalang, kaysa sa mawala pa ung taong mahalaga sayo. Minsan kailangan din natin magparaya, umintindi nang sa ganon hindi mawala ung taong yun. Pero ang tanong hanggang kalian? Hanggang kailan ka magsasakripisyo? Hanggang kailan mo titiisin ang sakit? Hanggang kailan mo sasabihin na okay ka lang? 

Bawat saya may katumbas na lungkot

Isang umaga habang naglalakad ako para pumasok na may narinig ako nag uusap dalawang lalaki, hindi ko naman sinasadya makinig talaga sa usapan nila. Sabi nung isang lalaki “Isa lang naman ang gusto ng isang tao e.” Ang tanong ng isang lalaki “Ano yun pre?” Isang salita lang ang naisagot ng isang lalaki alam mo kung ano ito? Ang sagot niya “KALIGAYAHAN”.  Napangiti ako sa usapan nila, nainspired ako. Oo tama siya, tayo mga tao iisa lang hanggad natin sa buhay yun ay kaligayahan. Kaya nga may mga taong umiibig, ngeeffort, nagttrabaho para sa pamilya, nagpapasaya ng kaibigan, nagaaral ng mabuti, nagsasakripisyo, marami pa tayong paraan para maging masaya.
Pero bakit ganon kahit piliin mo padin maging masaya, darating at darating ka sa puntong malulungkot ka, iiyak, masasaktan? Karaniwang sagot nila: “Parte ng buhay natin yan e”, “Pagsubok lang satin yan”. Bagkus may mga kasunod parin mga tanong, “Paano kung napagod ka na? Paano kung hindi mo na kaya mga sakit? Paano kung suko ka na? “ Ang weak ng mga tao! Haha oh joke lang! Pero aminin na natin nagiging weak din naman tayo emotionally, sabihin mong hindi! Ano ka? MANHID??
Ako, akala ko pag paulit ulit ka ng nasasaktan, nararanasan ang isang bagay, masasanay ka at magiging immune. Kaso hindi pala, mararamdaman mo parin ung sakit, ung feeling na down na down ka. Minsan mas pinipili ko wag na kumibo, magkulong nalang sa kwarto. Atleast sa loob ng apat na sulok ng kwarto, nakakapag isip ako, nagagawa kong tumawa, umiyak, magalit na walang nasasaktan. Sa loob ng kwarto nagagawa ko maging totoo ang pangarap ko, nagagawa ko magsulat. Dito nagagawa kong maging boss, ako ung bida, walang kontrabida, ako ung main attraction. Saksi ang kwartong ito sa bawat ngiti ko pag napapasaya ako ng mga mahal ko sa buhay, sa mga luha ko pag nasasaktan ako, at mga halo halong pakiramadam na maaari kong maramdaman. Salamat sa kwartong ito, dahil nakatulong siya para marealized ko ang mga bagay napagdaanan ko.
Opps. Paalala lang wag niyo ko tularan! Mas maganda parin kung nasasabi mo kung ano ung nasa loob mo, ung hindi ka magkukulong sa kwarto. May naalala ako, may isang taong nagsabi sakin, ang sabi niya “lahat tayo may choice sa buhay, hindi pwedeng wala”. At masasabi mo lang daw pag “wala ng choice” sa oras na hindi mo na kaya at nasasaktan ka na. Oo, tama siya may choice tayo kung pipiliin natin maging Masaya o magpapakulong tayo sa lungkot. Hindi naman kase natin kailangan bitbitin ang lahat ng masasakit na bagay kung ano meron tayo sa buhay. Hindi naman pang habang buhay may problema tayo. Kung baga sa byahe, iwanan mo na ang mga hindi kailangan at ung hindi importante. Dalhin mo nalang ung mga nagpapasaya sayo, ung mga aral na natutunan mo, sigurado magagamit mo yun sa paglalakbay sa buhay.