Huwebes, Nobyembre 15, 2012

Summer Experience


Isa ako sa mga maraming estudyante na pumapasok sa iskwela. Ang aking kurso na kinukuha ay Computer Science, noon yun! Pero ngayon nagshift na ako ng Information Technology. Siguro nagtataka kayo bakit ako nagshift? Haaay.. Basta! Maraming dahilan e.  Pumapasok ako sa kilalang unibersidad sa Pampanga. Ito ang  Angeles University Foundation, o mas kilala nilang  AUF. At dito isa akong Irregular Student. Bilang irreg mahirap na masaya. Bakit kamo? Mahirap dahil alam mo may nahuhuli ka mga subject at nahihiwalay ka sa mga barkada mo. Masaya dahil marami ka makikilala at magiging kaibigan. Inshort magiging Ms.  & Mr. Friendship ka. Nagyon summer hindi ako nagtampisaw sa dagat, magpadulas sa swmming pool, magpicture taking sa iba’t ibang lugar. Kundi nasa classroom ako, nakikinig sa teacher, nagrreview, nagqquiz, nageexam ng midterms at finals, gumagawa ng activity at assignment. Oo, nasa AUF ako buong summer! Ay hindi naman buong summer, isang buwan din siguro yun. Ganun pa man na enjoy ko naman, dahil marami ako nakilala, nakabonding at naging kaibigan. Bagamat sandali lang kami nagsama lahat, nagging Masaya naman ang mga oras na sama-sama kami. 

Tagal na nito! Nagsusummer pa ako nung sinulat ko 'to!:))) Nakalimutan ko ipost. nakita ko lang ngayon sa folder ko. Hahaha
Kachenehan lang yung intro ee! Haha ihww>:))